HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO NAISIPANG GUMAWA NG SARILI KONG WEBSITE. matagal na kasi itong iminungkahi ng isa sa malalapit kong mga kaibigan, pero ngayon ko lang naisipang gawin talaga. pakiramdam ko din kasi na masyado na akong nahuhumaling sa mga laro sa facebook at hindi ko na nagagawa ang mga hilig kong gawin nuon; yun ay ang mag sulat at ipahayag ang mga opinyon ko.

pakiramdam ko wala na akong nasisimulan at natatapos pag umuupo na ako sa harap ng kompyuter ko para mag facebook. pag gising ko, makalat ang apartment namin, pag tulog ko makalat pa din. tumatayo lang ako para kumain, umihi, at para pa ihi-in o pa tae-hin ang aso namin. hindi ko layuning siraan ang napakagaling na imbensyon ni Mark Zuckerberg. ang katotohanan nga e malaki ang pasasalamat ko sa nilikha ng henyong ito kasi nakakausap ko na ang dati kong mga kaklase simula elementarya hanggang hayskul, nakakachikahan ko ang mga kapitbahay ko sa cebu na akala ko'y di ko na makakausap ulit, nakakahalubilo ko ang mga taong may parehong interes kagaya ko, at ang pinakaimportante, nakakausap ko ang pamilya kong miss na miss ko na.

sa akin lang, hindi lahat ng magagandang naidudulot ng facebook ay walang katumbas na masama -- kagaya ng hinaing ko na wala akong natatapos pag nag kokompyuter na ako (alam kong kasalanan ko yun, pero isang malaking temptasyon lang talaga ang facebook). meron ding mga relasyon na nabubuo at nasisira din dahil sa facebook. merong mga "poser", manloloko, business minded na tao na tina-tag ka sa mga produkto nila, at meron ding mga nangmomolestya ng mga bata atbp.

oo, nakakatakot na mundo ang internet. nakakatakot na mundo ang facebook. pero, isa itong imbensyon na napakagaling sapagkat kaya nitong pag-isahin ang napakalaking mundo natin sa isang pahina lamang. kagaya nga ng sabi ng tiyuhin ni peter parker sa spiderman, "with great power comes great responsibility." ganun ang facebook. kung sa tama ito gagamitin, ito ay ang pinakamagaling na idea na nalikha sa makabagong panahon. pero kung sa masamang paraan ito gagamitin, para na ding inapakan ang katalinuhan ni pareng mark sapagkat ginagamit ang nilikha niya sa masamang gawain.

kung kasing talino lang sana ako ni kumpareng mark, malamang di ako magttyaga sa libreng website lamang. pero pano yan, bobo lang ako. kaya salamat sa weebly.com naipahayag ko ang napakawalang kwentang idea at saloobin ko.
3/1/2011 03:25:22 pm

Hello, Facebook buddy! Haha! Hmmm. Binasa ko ito ng buo kaibigan, at ang lalim ng tagalog mo tsong! Haha. Anywaaaaay. Totoo yan. Nakakalokang isipin na sa isang website, sobrang daming tao, sobrang lawak, sobrang daming nangyayare. Nakakabilib! :D

Reply
3/2/2011 06:46:49 am

Huuu! Lalim ng tagalog mo nga ah. Haha. :D Sa sobrang lawak ng internet dami na din manloloko. Wala lang, may masabi lang.

Reply
3/2/2011 02:46:43 pm

nice rheinz. you're back on track! nakaka miss nga ang old days. devilish talaga in a way ang fb. hehe. in a way, it's helpful dahil nakakakuha ka ng balita tungkol sa mga kaibigan mo na malalayo sa'yo. ang problema, minsan kahit kapit-bahay na nga lang, pinapadaan pa sa fb ang message at pagkamusta. friendster might be a bit boring before compared to fb pero i must admit, mas tight ang connection ng friends sa fs. (though not now kasi sinamahan na din nila ng laro ang fs). kamiss ang group discussion, yung mga malawak na pag-iisip at hindi puro kababawan na problema. siguro nga medyo tumatanda na tayo. para sa atin, corny na ang mga teen probs. we had grown up. we had become more mature. nabawasan man ang closeness, still the thoughts remains, and friendship still remains. keep it up! :)

Reply
3/2/2011 03:31:58 pm

@Happy: sa sobrang lawak, nakilala mo ako. ang swerte mo! haha.

@Dette: madami nga pong manloloko, pero at least nakakilala ako ng totoong tao sa'yo :)

@Meann: opo, ako po ay nagbabalik loob sa pagsusulat. buti naman natawag ko ang pansin mo ;) totoo, dahil sa FS nakilala ko kayo, mga totoong kaibigan at dun din tayo nagkakilala talaga ng lubos. nakakamiss ang dating samahan natin sa forums at group discussions pero ang buhay talaga may paraan para "paghiwalayin" ang mga kaibigan. dahil sa FB nakakausap pa din natin ang isa't isa kagaya ngayon. :)

Reply
frances
3/2/2011 03:34:33 pm

Good job Renz.. Keep this up. It'll be a good outlet for you.. =)Medyo nagtalo pa ang isip ko kung anong lengguahe ang gagamitin ko dito. Nakakadala ang tagalog mo.. Nice choice. Proud pinoy tayo! =) Good luck on this fafs.. =)

Reply
3/3/2011 02:53:12 am

@Frances: salamat salamat :) ikaw din magsulat ka din at magiging isa ako sa mga tagasubaybay mo. wag mo na pag debatihan kung anong lenguahe ang gagamitin mo. kusang lalabas lang yan ;)

Reply



Leave a Reply.